Vice Ganda, bibida sa pelikulang ‘And the Breadwinner is…’

Pormal nang inanunsyo ni Unkabogable at Phenomenal Box Office Star na si Vice Ganda ang kanyang paparating na pelikulang “‘And the Breadwinner is…’

Kasama ni Vice na inanunsyo ang balita ang kanyang magiging direktor na si Direktor Jun Robles Lana, na kilala para sa kanyang mga international at award winning films, tulad ng Die Beautiful, Becky and Badette, at Big Night.

Read More:  16 new housemates enter ‘Pinoy Big Brother: Collab 3.0’

Kasama rin sa new movie ang kanyang matalik na kaibigan at o-host na si Jhong Hilario, na nagpasalamat din kay Vice sa paghiling sa kanya na maging bahagi ng proyekto.

Read More:  Kris Aquino open to public service, hopes to become DOH secretary

2022 pa nang huling bumida si Vice sa isang pelikula na “Partners in Crime,” na official entry para sa 2022 Metro Manila Film Festival.

###