Motor at tricycle, nasagi ng suv sa Lucena City; 3-katao, sugatan

Sugatan ang tatlong katao matapos masagi ng SUV ang isang motor at tricycle sa Barangay Cotta, Lucena City nitong Lunes, Abril 15.

Pasado alas-5:00 ng umaga, binabagtas noon ng SUV ang direksyon patungo sa nasabing barangay nang lumihis ito sa kabilang lane dahilan upang masagi ang kasalubong na dalawang sasakyan.

Read More:  Face-to-faces classes expected to resume this week in General Santos City

Dahil dito, nagtamo injury ang dalawang sakay ng tricycle at ang driver ng motor kung kaya isinugod ang mga ito sa hospital para malapatan ng lunas.

Read More:  Bullying cited as motive in fatal attack on coworker in Digos

Sa ngayon, nagkasundo na ang magkabilang panig sa mga usapin hinggil sa aksidente.