Northeasterly Surface Windflow makakaapekto sa Northern at Central Luzon

Walang namomonitor ang PAGASA na panibagong sama ng panahon na maaring makaapekto sa bansa ngayong araw ng Martes.

Sinabi ng PAGASA na  ang Northeasterly Surface Windflow ay ang weather system na makakaapekto sa Northern at Central Luzon.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Ayon sa weather bureau, mararanasan ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may tIyansa ng pulo-pulong pag-ulan sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa dahil sa epekto ng localized thunderstorms.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Nagbabala naman ang PAGASA na bagamat maganda ang panahon, ay posible pa rin ang landslides at pagbaha sa mga lugar na makakaranas ng biglaang pag-ulan.

Maglalaro naman mula 25.1 hanggang 33.4 degrees celcius ang temperatura sa malaking bahagi ng bansa. (RAMAK KOWSARI)