Isang paaralan sa Bulanao, nilooban; P700K, ninakaw

Nilooban ang isang paaralan sa Purok 6, Bulanao, Tabuk City, Kalinga kung saan nilimas ng kawatan ang nakilektang tuition fee ng mga mag-aaral na aabot sa P700,000.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, ang nakolektang pera ay inilagay sa isa sa kanilang accounting office ngunit umaga ng Abril sais ay nagulat na lamang ang accounting staff na wala na sa pinaglagyan niya ang pera.

Read More:  Over ₱700,000 in gadgets stolen from Cebu shop, two suspects arrested
Read More:  NPA claims 3 civilian killings in Southern Negros in 9 days

Pinaniniwalaang dumaan ang kawatan sa bintana ng attic ng opisina upang makuha ang pera.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa naturang insidente at matukoy ang pagkakakilanlan ng kawatan.