Pagkukumpuni sa EDSA-Kamuning Flyover, tatagal ng 11 buwan

Inaasahang aabot sa 11 buwan ang pagkukumpuni ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa EDSA-Kamuning Flyover.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Paliwang ng DPWH, kailangan na kasing umpisahan ang pagsasaayos ng tulay na ginawa pa noong 1980s.

Tiniyak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na gagawa sila ng rerouting scheme para maibsan ang bigat ng daloy ng trapiko.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Sinabi naman ng MMDA na makikipag-ugnayan sila sa QC LGU para mailatag ng maayos ang traffic scheme sa apektadong lugar.