Motoristang papasok sa expressway na kulang ang load sa RFID – huhulihin

Pinaplano ngayon ng Toll Regulatory Board (TRB) ang paghuli sa mga motoristang papasok sa expressway na kulang ang load sa RFID account.

Ayon kay ACT-CIS party-list Representative Erwin Tulfo, nakakadulot ng pagbigat ng daloy ng trapiko sa mga toll booth ang kawalan ng RFID load tulad na lamang sa nangyari nitong Miyerkoles Santo.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Dagdag pa ni Tulfo, kakausapin niya ang TRB para maglagay ng mga signage na nagbibigay ng babala sa mga motorista na huwag gumamit ng expressway kung walang sapat na RFID balance.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Paliwanag ng mambabatas, parang walang disciplinary action kung hindi ipapatupad ang kautusan dahil hindi sila masita at hindi rin naman matiketan.