DOH – walang nakikitang mali sa ‘going commando’ suggestion ni Rep. Garin

Nanindigan si Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa na walang mali sa sinabi ni Iloilo 1st District Rep. Janette Garin na huwag na munang magsuot ng underware ang mga kababaihan sa kani-kanilang bahay ngayong mainit ang panahon.

Read More:  DepEd set to launch active shooter drills in schools

Ayon kay Teodoro, hindi naman mali ang ibinigay na payo ng mambabatas.

Sa kabila niyan, inirekomenda ni Herbosa sa mga kababaihan ang paggamit ng cotton na underware para maging mas komportable.

May mga health effects din daw kasi na maaaring makuha sa paggamit ng hindi cotton na underware gaya na lamang ng candidiasis.

Read More:  Arroyo says she would oppose impeachment move vs Ombudsman Remulla

Sa huli, binigyang-diin ng kalihim ang kahalagahan ng kalinisan sa katawan at pagsusuot ng maayos at komportableng kasuotan ngayong mainit ang panahon.