Mahigit walong milyong piso ng ilegal na droga, nasabat ng PNP sa buwan ng Marso

Naitala ng Quezon Police Provincial Office sa kanilang Peace and Order Campaign sa buwan ng Marso ang nakolekta ng mga ito na mga ilegal na droga na may halaga ng mahigit walong milyong piso.

Read More:  Gunman arrested after shooting near school in Cebu City

Mahigit 400 gramo ng shabu ang nakumpiska habang mahigit limang gramo naman ng marijuana ang nasabat.

Read More:  Canopy 25 project in Kidapawan reaches 4 million trees planted

Samantala, 92 operasyon naman ang isinagawa ng mga kapulisan na nagresulta sa pagkakaaresto sa mahigit isandaang (113) indibidwal na may kinalaman pa rin sa ilegal na droga.