Malaysia, tinanggihan ang pag ho-host ng 2026 Commonwealth Games

Tinanggihan ng Malaysia ang alok ng Commonwealth Games Federation (CGF) na mag-host ng 2026 Commonwealth Games dahil hindi kayang sagutin ng kanilang gobyerno ang gastos sa nasabing palaro.

Read More:  Alex Eala set to compete at Cincinnati Open ahead of US Open

Ginawa ang desisyon sa pulong ng gabinete na pinamumunuan ni Punong Ministro Anwar Ibrahim.

Ayon sa CGF, nahihirapan na silang maghanap ng host, kasunod ng pagtanggi ng Australian state na Victoria noong nakaraang taon.

Read More:  Gilas Pilipinas Women, to compete in FIBA Olympic Pre-Qualifying Tournament

Bukod sa Malaysia, inalok rin nila ang Sinagpore na mag-host ngunit hindi pa ito nagbibigay ng kompirmasyon kung tatanggapin nila o hindi ang offer.

###