Mga breastfeeding stations sa So.Cot, ininspeksyon

KORONADAL CITY – NAGSAGAWA ng monitoring ang Provincial Social Welfare and Development Office o PSWDO at Provincial Nutrition Office ng South Cotabato sa mga breastfeeding stations sa bayan ng Surallah at Tupi.

Kabilang sa sinuri ng mga ito ang mga breastfeeding stations sa mga Barangay Health Stations sa Brgy. Libertad, Duengas at Centrala sa Surallah, at Barangay Health Stations ng Kablon, Acmonan, Kalkam, Bunao, Cebuano at Polonuling sa Tupi.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Layon nito na masiguro na ang mga breastfeeding stations ay compliant sa mga regulasyon at guidelines lalo na sa health, safety, accessibility at privacy.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Ang mga breastfeeding stations ay isang lugar para sa mga ina na makapagpasuso sa kanilang mga sanggol o makapagsagawa ng milk expression.