Lalaki sa Palawan, tinaga sa ulo dahil umano sa selos

Sugatan ang isang magsasaka sa Sitio Ananyog, Brgy. Panitian, Quezon, Palawan nitong Biyernes, ika- 8 ng Marso 2024, bandang ala-una ng madaling araw.

Ang biktima ay si Joselito Lanuan, 42 taong gulang at ang suspek ay si Gebrel Aragon, kilala rin bilang “Roy”, na kapwa residente rin ng lugar.

Read More:  CHMSU graduate tops Army officer candidate class ‘Talagilab’

Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, bago mangyari ang insidente, naglalakad si Joselito pauwi at dumaan sa bahay ng kanyang kamag-anak na si Bebe Aragon, asawa ng suspek, para humingi ng tubig.

Ngunit nang umalis doon ang biktima, ay tinaga siya ng dalawang beses sa ulo ng suspek bago ito tumakas.

Read More:  Man found dead wrapped in duct tape in Negros Occidental

Nagpasaklolo ang biktima sa kaibigan at nagpatuloy silang maglakad pauwi bago siya dinala sa ospital.

Lumabas sa imbestigasyon na ang motibo ng suspek ay selos.