Walang nangyaring harassment – China

Nanindigan naman ang China na walang ano mang nangyaring harassment sa Ayungin Shoal.

Ito ay kahit na malinaw na malinaw naman sa video ang ginawang mga iligal na hakbang ng China sa resupply mission ng Pilipinas.

Read More:  Prosecutor Terry Ridon gets stern warning over alleged sub judice violation

Kabilang na rito ang ginawa nilang pagbangga sa barko ng Philippine Coast Guard, pati ang pagbomba ng tubig sa resupply boat na ikinasugat ng apat na tao.

Read More:  Missing PNP-CIDG documents delay Padilla counter-affidavit

Sa isang pahayag – sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Mao Ning na nanatili pa rin silang ‘professional, restrained, at lawful’.

Anila, ang Pilipinas pa mismo ang nang-‘intrude’ sa kanilang teritoryo at ginawa lang nila ang dapat nilang gawin.