Pinoy na sangkot sa rambulan sa Thailand, iniimbestigahan ng Thai Police

Iniimbestigahan ngayon ng Thai police ang 3 Filipino transgender na sangkot sa gulo sa mga Thai transgender sa red light district sa Bangkok.

Sa ulat mula sa Philippine Embassy sa Bangkok na natanggap ng Department of Foreign Affairs, sinabing ang tatlo ay iniimbestigahan dahil sa assault and battery.

Read More:  Taguig denies 911 delay, DILG probes incident, says Remulla

Ang nasabing mga Pilipino ay mga turista sa Thailand.

Isa namang Pilipinong transgender, na hindi bahagi ng alitan, ang nasugatan sa gulo.

Sa inisyal na imbestigasyon, mayroon na umanong iringan noon pa sa pagitan ng dalawang grupo ngunit ngayon lang sila humantong sa pisikalan.

Read More:  Cendaña warns of legal action over online attacks targeting his medical condition

Nasa 20 umanong mga Filipino transgender ang umalis sa kanilang hotel at umuwi na sa Pilipinas matapos makatanggap ng mga banta mula sa mga Thai transgender.