Drug-free Workplace policy ordinance sa bayan ng Basud aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Sangguniang Bayan

CAMARINES NORTE – Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa regular na sesyon ng Sangguniang Bayan noong Lunes ang Drug- free Workplace policy ordinance sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Saklaw ng ordinansa ang lahat ng elective at appointive personnel gayundin ang contract  of service at job order workers maging ang mga elective at appointive barangay officials and allied workforce.

Read More:  Most wanted Masaronay group leader killed in police shootout in Lanao del Norte

Sa ilalim ng ordinansa kailangang lumikha ng Drug- free workplace committee na sisigurong maipapatupad ng maayos ang ordinansa at ma- sustain ang Drug Free Workplace program.

Batay sa section 8 ng ordinansa magkakaroon ng mandatory drug testing o pre- employment drug testing bago makapasok ang mga aplikante sa LGU.

Read More:  School building engulfed by fire in Tudela, Misamis Occidental

Mahaharap sa kasong administratibo ang appointive public officer na tatanggi sa drug testing ng walang balidong dahilan at ang mga magpopositibo sa iligal na droga pagkatapos ng confirmatory test.

Isasailalim naman sa disciplinary action ang sinumang elective officer na tatangging magpa drug test nang walang balidong dahilan o kung magpositibo sa iligal na droga pagkatapos ng confirmatory test.