ARTA Eastern Mindanao, nagsagawa ng monitoring sa Koronadal

KORONADAL CITY – NAGSAGAWA ng monitoring inspection ang mga kawani ng Anti-Red Tape Authority o ARTA sa pangunguna ni ARTA Eastern Mindanao Regional Chief Engr. Rhuelo Aradanas sa lokal na gobyerno ng Koronadal.

Layunin nito na masiguro na sumusunod ang mga opisina ng gobyerno sa mga probisyon ng batas na sinusunod ng ARTA lalo na ang pagpapabilis at ang maayos na transaksyon sa bawat opisina.

Read More:  Six NPA members surrender in Camarines Sur, turn over firearms and explosives

Pinuri rin ni Regional Director Aradanas ang mga best practices ng lungsod lalo na sa all-year-round Business One Stop ng lungsod. Nagbigay naman ito ng suhestiyon ang at rekomendasyon na siyang makatutulong sa lokal ng gobyerno.

Read More:  San Lazaro Hospital ER in Manila reaches up to 500% capacity amid leptospirosis surge

Pinapasiguro naman nina City Mayor Eliordo U. Ogena at Committee On Anti-Red Tape o CART Chairperson at CHRM Officer Hazel Lebanan na tututukan ng mga ito ang lahat ng mga naging rekomendasyon ng ARTA Monitoring Team upang mas makapagbigay ng maayos at mabilis na serbisyo sa mga mamamayan ng lungsod.