Pagbabawal sa mga e-trikes at e-bikes sa kalsada sa Metro Manila, palalalain ang traffic

Binigyang-diin ni One Coalition, co-convenor, Roberto Siy Jr., sa kanyang naging panayam sa isang programa na maaring magdulot lang ng mas mabigat ng daloy ng trapiko sa kalsada ang pag-ban o pagbabawal sa mga e-trikes o e-bikes na bumyahe sa mga pangunahing kalsada ng Metro Manila.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Kaugnay nito, nanawagan si Siy sa gobyerno na maging bukas sa pag-adopt sa mga electric two-wheelers at three-wheelers.

Maalala, sa ilalim ng aprubadong resolusyon tungkol dito ay maaring pagmultahin ng hanggang sa P2,500 ang mga mahuhuling lalabag.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Kung saan, ilan lang sa mga kalsadang kasama sa listahan na bawal daanan ay ang EDSA, Roxas Boulevard at Taft Avenue.