Mandato sa NFA, dapat pag-aralan matapos ang bagsak presyo ng NFA rice – senador

Kuwento ni Senadora Imee Marcos, sinimulan ng kanyang ama ang pagtatag sa National Food Authority (NFA) upang mabalanse ang rice supplies at presyo ng bigas sa Pilipinas.

Ito ay bagay na tila hindi na umano nagagawa ng NFA ngayon lalo na’t matapos ang napabalitang pagbebenta nila ng libong toneladang NFA rice ng bagsak presyo.

Read More:  Tinio says Marcos should not ‘wash his hands’ over reported ₱24-B leadership fund

Kaugnay nito, katulad ng ginawa sa Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) ay marapat din umanong idaan sa pag-aaral ang pagganap ng NFA sa kanilang tungkulin at maging klaruhin ang kanilang mandato.

Read More:  PNP officer shoots fellow police, civilian in Cavite; 2 dead

Ayon kase kay Marcos, masyadong lugi ang gobyerno sa ginawa nilang pagtitinda ng P25 per kilo ng bigas nang walang bidding at makaraan itong bilhin bilang palay sa halagang P23.

Maalala, pinaiimbestigahan na ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang nasabing pangyayari.