Pinsala sa agrikultura dulot ng El Niño, pumalo na sa higit P940M

Pumalo na sa higit P940M ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa ilang rehiyon sa bansa dulot ng El Niño.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong araw, pinaka napuruhan ang Region 6 o Western Visayas sumunod ang MIMAROPA, CALABARZON, Region 9 at Region 1.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Halos 17 libong mga magsasaka na rin ang apektado kung saan 14, 800 na ektaryang pananim ang naapektuhan.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Nakapagpamahagi na ang gobyerno ng mahigit sa P362M na tulong pinansyal sa mga apektadong magsasaka kung saan ang tulong ay ipinadaan sa Department of Agriculture.