Teatro, magandang pagpapamulat sa mga isyu sa bansa–Local Artist

NAGA CITY – Isang magandang eye-opener sa mga kabataan ngayon ang teatro lalo na’t hindi lang basta umiikot ang teatro sa pag-arte lamang.

Ito ang masayang isinalaysay sa Brigada News FM Naga ni Camille Berces, isang local artist at first time na sasabak sa isang musical theater play na gaganapin sa isang pribadong paaralan sa Naga City ngayong buwan. Bagamat ito ang unang beses na paglahok at pagtanghal ni Berces sa entablado bilang theater artist, malaki ang naitulong nito sa kanya upang mamulat sa mga isyung kinakaharap ng ating bansa.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors
Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Aniya, hindi lang kasi natatapos sa kantahan at pag-arte ito dahil laman at nasasalamin dito ang realidad ng buhay kung saan karamihan sa mga Pilipino ang naaapektuhan ng kahirapan, mga demolisyon at kurapsyon.