Bilang ng mga nahukay na bangkay sa landslide sa Davao de Oro – umakyat na sa 12

Umakyat na sa labingdalawa ang bilang ng mga nahukay na bangkay sa nangyaring landslide sa Apex Mines, sa Brgy. Masara, Maco, Davao De Oro.

Sa inisyal na datos mula sa Provincial Disaster Risk Reduction Management ng Davao De Oro, nasa 49 na lang ang natitirang pinaghahanap pa doon sa Landslide Area at 31 ang injured.

Read More:  Gatchalian says online memes over impeachment seating hurt

Pahirapan pa rin hanggang ngayon ang Search and Rescue Operation dahil sa umano’y unti-unting pagbagsak ng mga lupa dahil sa patuloy na pag ulan sa naturang lugar.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Sa ngayon ay patuloy pa ang pagsisikap ng mga rescuers na mahanap pa ang iba pang missing na naging biktima ng landslide, una naring ikinasa ang forced evacuation sa mga residente sa malapit na mga barangay at nakalikas na ang nasa 758 Families. | via 97.5 BNFM TAGUM CITY | KIEL ALEA
#