Itinakdang ‘practical deadline’ ni Sen. Angara para sa RBH 6, ‘di umano ‘assurance’

Nilinaw ni Senator Sonny Angara na walang kasiguraduhan na maipapasa sa kanyang itinakdang deadline ang Resolution of Both Houses No. 6.

Ayon kay Angara, ‘di madaling makakuha ng labingwalong boto lalo na’t maituturing na “challenging” at “difficult” ang pagtalakay sa economic provision.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Dagdag pa niya, hindi siya makapagsasalita para sa kanyang ibang mga kapwa senador tungkol sa kanilang posisyon dito.

Sa kabila nito, tiniyak naman niyang paninindigan nila ito ni Senate President Migz Zubiri at Senate President Pro Tempore Loren Legarda bilang sila ang naghain nito.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Maalala, ayon kay Angara, ang kanyang personal deadline para sa pag-amyenda ng economic provision ng Konstitusyon ay sa darating na Oktubre.
#