WPS issues, posibleng may kinalaman sa PH gov’t websites hacking – DICT

Hindi inaalis ng Department of Information and Communications o DICT ang posibilidad na may kinalaman sa usapin ng South China sea ang mga tangkang pang ha-hack sa government website.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni DICT Secretary Ivan Uy, bagaman maaga pang magpalabas ng konklusyon hinggil dito, pero giit ng opisyal lahat ay possible.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Kailangan lang anyang tingnan ito sa kasalukuyang mga pangyayari at obserbahan kung hanggang saan makararating ang kanilang imbestigasyon.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Paliwanag pa ng kalihim, sa isinasagawa nilang cyber investigation, ikinokonsidera nila ang lahat ng posibleng rason sa tangkang hacking.

Sa ngayon, hindi anya nila tinatanggihan ang mga alok na tulong sa pag imbestiga kaugnay sa naturang cyberattack.
#