42 kahon ng smuggled cigarette, nakumpiska sa Puerto Princesa City; 1 arestado

Kinumpiska ng mga awtoridad ang apatnapu’t dalawang (42) kahon ng mga smuggled na sigarilyo matapus harangin ang pinagkargahan nitong van sa checkpoint ng Barangay Inagawan- Sub. sa Puerto Princesa.

Alas- sais ng madaling araw kanina ng maharang ng pulisya ang Recaro Van na minamaneho ng suspek na si “Jay”, 34 anyos na residente ng Brookes Point, Palawan.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Sakay nito ang mga karton ng Fort smuggled cigarette na mula sa bayan ng Narra na dadalhin sana sa lungsod ng Puerto Princesa.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Paliwanag ng suspek, napag-utusan lamang siya na magmaneho upang ibyahe ang mga kontrabando.

Sa ngayon, dinala na ng PNP ang mga iligal na sigarilyo sa Bureau of Customs habang ang suspek naman ay isinalang narin sa inquist proceeding para sa isasampang kaso.