Kamara – binulabog ng bomb threat

Isinailalim sa heightened alert ang buong Kamara.

Ito ay matapos ang umano’y sunud-sunod na mga bomb threats na natatanggap ng mga mambabatas.

Kinumpirma ni House Secretary General Reginald Velasco na ‘di umano ay binantaan ang ilang mga miyembro ng House of Representatives na bobombahin ang Kamara.

Read More:  More than 100 areas in the Philippines placed under state of calamity due to El Niño

Aniya, sineseryoso nila ang mga banta na ‘di umano’y natanggap na ng mga Kongresista noon pang Biyernes.

Sa ngayon, hinigpitan na ang seguridad sa buong Batasan; habang ‘di na rin muna basta-basta papapasukin ang mga ‘di empleyado sa Kamara at mga staff ng mga Kongresista.

Read More:  More than 100 areas in the Philippines placed under state of calamity due to El Niño

Ipinagbabawal na rin muna ang mga motorsiklong nakaparada sa tapat ng mga gusali matapos ma-moniutor ang ilang mga motor na umaaligid sa compound.

‘Di naman kinumpirma ni Velasco kung may kinalaman ang mga naturang bomb threat sa isinusulong na Charter change.