Mga farmers sa Surallah, nakatanggap ng fuel discount card

KORONADAL CITY – NASA 96 na mga magsasaka at mangingisda sa apat na mga barangay sa bayan ng Surallah, South Cotabato ang nakabenepisyo sa Fuel Discount Card program ng Department of Agriculture o DA Region 12.

Read More:  15-year-old drowns while searching for lost cellphone for P1,000 reward in Cebu

Ang mga benepisyaryo ay residente ng Barangay Canahay, Barangay Little Baguio, Barangay Libertad at Lamsugod. Ito ay first batch ng distribution ng Fuel Discount Card na nagkakahalaga ng P 3,000 na maaaring gamitin sa pagbayad ng gasolina o diesel para sa kanilang mga makinarya sa mga Accredited Fuel Station ng DA 12.

Read More:  19-year-old woman found dead in Lupon, Davao Oriental, with head injury

Layon ng naturang programa na matulungan ang mga magsasaka at mangingisda na apektado ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.