NTF-ELCAC – na-offend sa rekumendasyon ni Irene Khan

‘Betrayed and hijacked’

Ganito raw ang naging kinalabasan ng pagbisita ni United Nations Special Rapporteur (UNSR) for freedom of expression and opinion Irene Khan sa bansa ayon sa NTF-ELCAC.

Ganiyan ang reaksyon ni NTF-ELCAC executive director Usec. Ernesto Torres Jr. sa naging suhestyon ni Khan na buwagin na ang kanilang tanggapan.

Read More:  Romualdez camp says Bonoan may be pressured to link former speaker to flood control probe

Aniya – na-offend daw sila sa rekumendasyon ng UNSR lalo na’t hindi raw na-comprehend ni Khan na palaging magiging relevant ang NTF-ELCAC.

Naging ‘counterproductive’ din daw ang kaniyang pagbisita dahil may sarili itong agenda na taliwas sa naging dahilan kung bakit siya inimbitahan ng Gobyerno.

Read More:  OCD on heightened alert for Super Typhoon Inday

Aniya, para silang tinraydor at na-hijack; habang ang panawagang abolition ni Khan ay isa raw ‘lame attempt’ para bigyang buhay ang isang ‘dying terrorist movement’.

Nanindigan din silang hindi bubuwagin ang NTF-ELCAC, at hindi hahayaang madiktahan ang Pilipians ng isang outsider.