LTO Plate Making Plant, pinaiigting ang seguridad

Pinaiigting ng Land Transportation Office (LTO) ang seguridad sa kanilang Plate Making Plant matapos ang nangyaring pagnanakaw umano ng plaka ng kanilang mga tauhan.

Read More:  DOJ says VP Sara Duterte has no criminal immunity

Kaugnay rito, tiniyak ni LTO chief Asec. Vigor Mendoza na hindi makaaapekto ang nasabing isyu sa produksiyon ng mga plaka.

Sa katunayan, nasa 30K plates kada araw ang napo-produce ng LTO.

Read More:  OVP proposes ₱785.204 million budget for 2027, 11.7% lower than 2026

Una nang sinampahan ng kaso ang tatlong empleyado ng LTO na sangkot sa nakawan; habang ang sinasabing mastermind nito ay patuloy pa ring pinaghahanap.