SP Zubiri- tinanggihan ang mungkahing ‘alternative people’s initiative’

Kinumpirma ni Senate President Migz Zubiri na natanggap at nabasa na niya ang sulat na ibinigay ni House Speaker Martin Romualdez tungkol sa mungkahi nitong pangunahan ng Senado ang ‘alternative people’s initiative’.

Ngunit sa kabila nito ay nanindigan siyang naniniwala pa rin sila sa Senado na ang tunay na people’s initiative ay pinangungunahan ng mga tao.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Dagdag pa niya, nakikita pa rin nilang “flawed” at “unconstitutional ang nangyaring pangongolekta ng pirma para sa pag-amyenda ng konstitusyon.

Kaugnay nito, ayon kay Zubiri, pag-uusapan muna nila sa Senado ang inilatag na mungkahi ni Romualdez.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Ito ay upang matiyak nila na mapapanatili nila ang check and balance at bicameralism sa gobyerno.

Samantala, tiniyak naman niyang magpapaabot siya ng tugon dito pagdating ng Lunes.