Isang vendor, nahulihan ng umanoy shabu sa Narra, Palawan

Huli sa drug buy bust operation ng mga awtoridad ang isang lalaki pasado alas-kwatro ng hapon nitong Huwebes, January 25 sa Purok Highway Barangay Malatgao Narra, Palawan.

Kinilala ang suspek na si Rolan Necio, 45 anyos na residente ng Suwa Street Brgy, Poblacion sa munisipyo.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Nahuli ito sa pinagsamang operasyon ng Provincial Drug Enforcement Unit o PDEU at Narra PNP.

Matapos ang transakyon ay nakabili ng isang sachet ng pinaghihinalaang shabu ang operatiba kung saan nakumpiska rin ang tatlo pang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu mula sa loob ng pulang sling bag, Motorsiklo na gamit ng suspek at pera na ginamit sa transakyon.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Samantala, nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive of Dangerous Drugs Act Of 2002.