7 classrooms at isang principal’s office – naabo sa sunog sa Cebu

Natupok ng apoy ang tatlong mga school building nang masunog ang isang public school sa Mountain Barangay sa Lungsod ng Cebu kaninang madaling araw.

Sa panayam ng Brigada News FM Cebu, sinabi ni Napo Elementary School principal Babylin Palvan na kasama sa mga nasunog ang isang kindergarten room, at tig-dalawang grade 1, grade 2 at grade 3 clasroom pati na ang Principal’s Office at ICT laboratory.

Read More:  LTO-7 summons rider who spat on bus driver in Cebu

Tinatayagang nasa P2.4 million ang iniwang danyos ng sunog at nasa 200 mga mag-aaralan naman ang apektado.

Sa ngayon patuloy na inalam ng Bureau of Fire Protection-Cebu City ang pinagmulan ng sunog sa naturang paaralan.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Kaugnay nito, si Barangay Sapangdaku Captain Jovito Ladrazo ay humingi na ng tulong sa publiko pati na sa mga opisyal ng lungsod upang muling makapagtayo ng silid aralan para sa mga apektadong mag-aaral at mga guro.