Mabigat na daloy ng trapiko sa NLEX, asahan

Pinapayuhan na ang mga motorista na maglaan ng mas maraming oras sa pagbyahe matapos mag-abiso ang pamunuan ng North Luzon Expressway (NLEX) sa inaasahang pagbigat ng trapiko sa ilang bahagi ng Expressway simula ngayong araw hanggang bukas.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Ito ay dahil sa gaganaping 2-day concert sa Philippine Arena.

Ayon sa NLEX Corporation, partikular na makararanas ng pagsikip ng trapiko ang patungo ng Bocaue/Santa Maria.

Read More:  TDC highlights education system issues following death of grade 4 student in Cavite

Maaari namang dumaan sa mga alternatibong ruta o mag-exit sa Marilao, Bocaue o Tambubong.

Tiniyak rin ng NLEX na may mga ide-deploy itong traffic personnel sa strategic areas para umalalay sa mga motorista.