Lalaki, nalunod sa ilog sa laylayan ng Bustos Dam

Patay na nang matagpuan ang isang 21-anyos na lalaki matapos malunod sa laylayan ng Bustos Dam sa Bulacan.

Kinilala ng nanay ng biktima ang namatay na si Denmark Panadero, residente ng Baliwag, Bulacan.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Kwento ng nanay na si Myrna Panadero, umalis ang anak kasama ang dalawang kaibigan para maligo sa ilog.

Aniya, madalas naliligo sa ilog ang anak kaya hindi niya inakala na malulunod ito.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Ayon sa Bustos PNP, natagpuan ang bangkay ng biktima sa malalim na bahagi ng ilog.

Sinubukan pang sagipin ang biktima ng kaibigan pero malalim na at malakas ang agos sa ilalim ng ilog na ikinamatay nito.