Transport portest sa Naga City, malabo na

NAGA CITY- Ikakasang transport protest sa lungsod ng Naga, malabo na ayon sa presidente ng Calabanga Transport Association (Caltransa).

Sa isang panayam sa Brigada News FM Naga ngayong araw, Myerkules, Enero 17, 2023, sinabi ni Didoy Avila, ang presidente ng Caltransa, na bagaman nakahanda na sila para sa gagawin sanang kilos-protesta sa lungsod bilang pakikiisa sa nation-wide transport protest ng Manibela kaugnay ng pagkontra sa PUV Modernization Program, hindi na sila makiisa rito dahil halos lahat ng drivers at operators sa Camarines Sur ay nakapag-consolidate na at ayaw nang sumama.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil
Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Sa kabila nito, nanindigan pa rin ang opisyal kontra modernisasyon at patuloy ang panawagan na ibasura ang konsolidasyon.