Head Coach ng Sacramento Kings, pinaalis sa court matapos magwala

Sinugod ni Sacramento Kings head coach Mike Brown ang isang referee matapos itong hindi tumawag ng foul sa isang player ng kalaban.

Sa laro ng Kings at Milwaukee Bucks, para kay Brown ay dapat tawagan ng foul si  De’Aaron Fox hinggil sa nangyari umanong free throw discrepancy.

Read More:  Albert Ian Delos Santos wins Asian Games bronze, sets new Junior World Record

Hinarangan pa ng head coach ang referee habang tuloy-tuloy naman ito sa pagsisigaw.

Dahil dito, napagdesisyunan ng referee na paalisin si Brown sa court.

Read More:  Philippines to host two WTA Tournaments in 2027

Sa press conference, dala-dala nito ang laptop habang ipinaliwanag ang ‘inconsistencies’ umano ng laro.

Samantala, natalo ang koponan ni Brown laban sa Bucks ng isang puntos lamang sa iskor na 143-142.