OVP 5 satellite office sa Legazpi City, dinagsa ng ilang mga residente kaninang umaga

LEGAZPI CITY – Pinilahan ng ilang mga residente sa Legazpi City ang Office of the Vice President (OVP) Region 5 Satellite Office kaninang umaga dahil sa ipinamahaging bigas.

Ayon sa isang residente, alas 4 kaninang madaling araw, pumunta sila sa OVP upang makakuha ng ticket number.

Read More:  Farmer killed, friend wounded in shooting in Sibonga, Cebu

Subalit, hindi ito pinalad na makakuha dahil may mga nabigyan na rin kanina at nakatanggap ng bigas.

Nalaman na lamang nila ito mula sa iba pang mga residente na naunang makatanggap.

Read More:  School building engulfed by fire in Tudela, Misamis Occidental

Sinubukan din ng Brigada News FM Legazpi na kunan ng pahayag ang OVP subalit sinabi ng security personnel na hindi sila nagpapaunlak ng interview ukol dito.