Isang bahay, nasunog sa Rizal Palawan

Tinupok ng apoy ang isang bahay sa may Purok Base, Brgy.Punta Baja sa Rizal, Palawan bandang alas-siyete ng kagabi, January 10.

Ang may- ari ng gusali na yari sa light materials ay si Ginang Tessie Biscaño, ayon sa Bureau of Fire Protection.

Read More:  Newborn baby found dead along General Santos City shoreline

Naapula ang sunog mag-a-alas 7:20 ng gabi na umabot naman sa 1st alarm.

Read More:  14-year-old student found with .357 Magnum inside Cebu school

Samantala, wala namang naitalang nasaktan o nasugatan sa nangyaring sunog habang patuloy pa ang isinagawang imbestigasyon ng mga bumbero.