CPNP Acorda: Loyalty check sa PNP – ‘di na kailangan!

Hindi nakikita ni PNP Chief Benjamin Acorda Jr. na kailangan ng loyaly check sa hanay ng pambansang pulisya.

Sabi ni Gen. Acorda, wala o hindi niya nakikita ang pagkakaroon ng discontented o pagwi-withdraw ng suporta sa kanya.

Read More:  DepEd urges schools to partner with parents to prevent school violence

Ang pahayag ay kasunod ng pagsasampa ng kaso ni Acorda laban sa isang Retired Army General at isang youtuber sa pagdawit sa kanyang pangalan sa umano’y nangungumbinsi kay Pangulong Ferdiannd Marcos Jr. na mag resign sa pwesto.

Read More:  Palace urges VP Sara to answer before Impeachment Court

Ayon kay Acorda, nananatili aniya ang suporta ng buong hanay ng Pulisya kay Pangulong Marcos bilang kanilang Commander-in-Chief at nanumpa silang igagalang ang Saligang Batas at Watawat ng Pilipinas.