Malawakang power outage sa Western Visayas, nais paimbestigahan

Umapela si Iloilo City Representative Jam Baronda sa Kamara na magkasa ng imbestigasyon ukol sa nangyayaring malawakang power outage sa Panay Island at ilang lugar sa Negros Province.

Ayon kay Baronda, hindi pa natatapos ng House Committee on Energy ang pagsisiyasat sa naganap na region-wide power outage noong nakaraang Abril ngunit mayroon na namang panibagong suliranin sa kuryente.

Read More:  PNP says search for Bato Dela Rosa remains on track

Bahagi aniya ng Congressional oversight na imbestigahan ang insidente upang masiguro ang kapakanan ng mamamayan.

Giit ni Baronda, tila hindi pa natututo ang mga may pananagutan dahil pinabayaan na namang maapektuhan ang mga Ilonggo.

Kasabay nito, isinusulong ng kongresista na makumpleto na ang interconnection ng Luzon at Visayas grid na dadaan sa Mindoro upang masolusyunan ang problema sa kuryente sa Panay Island.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Sinabi ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP na tatlong planta ang pumalya at ang isa ay nagpapatupad ng maintenance shutdown kaya nagdulot ito ng malawakang brownout.

60 percent ng energy requirement ng Panay Island ang apektado dahil sa pag-shutdown ng apat na planta.