Ban Toxics, nagsagawa ng Iwas Paputok Program sa QC

Nagsagawa ang Ban Toxics ng ‘Iwas Paputok Program’ sa Toro Hills Elementary School sa Quezon City.

Ito’y kasunod ng inaasahang paglakas ng bentahan ng paputok ngayong Holiday Season.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Ayon sa grupo, layon ng kampanya na mapataas ang kamalayan ng publiko lalo na sa panganib na dala ng paputok.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Nasusugatan anila taon-taon ang karamihan sa mga kabataan dahil sa mga explosibo.

Sa programa, kanya-kanyang nagbitbit ng pampaingay ang mga estudyante sa nabanggit na paaralan.

PHOTO COURTESY: BAN TOXICS