Opisinang tututok sa pag-papaunlad ng mga isla sa lalawigan ng Sorsogon, bubuuin

Sa layuning mapataas ang kalidad ng pamumuhay ng mga nakatira sa mga isla sa Sorsogon, bubuo ng isang opisina ang Pamahalaang Lalawigan.

Ang nasabing tanggapan ang  tututok sa pagpapaunlad ng mga isla sa probinsya.

Read More:  Pickup driver falls asleep, hits tricycle, motorcycles and store in Bacolod

Sa pag-usad ng Resolution sa Sangguniang Panlalawigan na syang magiging gabay sa nasabing opisina, kabilang sa bubuuin ang Calintaan-Calayuan Island Development Administration o CCIDA na sya namang magsisiguro na maayos na naipapatupad ang mga proyekto sa isla tulad ng Health care, edukasyon, mga pabahay, pagkakaroon ng kuryente, malinis na tubig, social welfare, kalinisan, waste management at transportasyon.

Read More:  Former NPA member surrenders, leads army to weapons cache in Iloilo

Tutulong din ang opisina sa pagbuo at paglikha ng mga trabaho sa isla at iba pang business opportunities.