CAMARINES NORTE – Aprubado na ng Sangguniang Bayan sa 66th Regular Session nito ang Annual Budget ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Basud, Camarines Norte para sa taong 2024 na nagkakahalaga ng P227, 095, 764.00 o mas mataas ng 6. 34 % sa 2023 budget.
Ang General Public Services ang nakakuha ng pinakamataas na allocation sa budget na nagkakahalaga ng P105, 675, 112.00 o 46. 53 %.
Ang mga opisina na may pinakamatataas na budget allocation sa ilalim ng General Public Services ay ang Office of the Mayor na may P39, 639, 262.00 na mas mababa ng 24. 64 % kumpara noong 2023 dahil sa segregation ng pondo kada division at section.
Nakakuha naman ng P24, 620. 630 o increase na 4. 78 % ang Sangguniang Bayan.
Nasa P55, 450, 815 o 24. 42 % ng annual budget ang nakalaaan sa Social Services.
Gagamitin naman ang halagang ito para pondohan ang Municipal Health Office, Municipal Social Welfare and Development Office at iba pang opisina sa ilalim ng Office of the Mayor, 20 % development fund at iba pa.
Nasa P50, 010, 661.00 o 22 % ng annual budget ay mapupunta sa Economic Services at ang may pinakamaliit na bahagdan sa annual budget ay ang Other services na mayroong P15, 959, 176.00 o 7. 03 %.
Ayon kay Vice Mayor Ramir Barrameda, kabilang din sa mga pinondohan sa 2024 annual budget ay ang mga bagong likhang mandatory position.
Tulad ng dati nakadepende pa rin sa National Tax Allocation (NTA) share ang source of financing ng LGU na nasa 75. 97 % habang ang 3. 68 % ay mangagaling sa iba pang local sources at 0. 35 % ay magmumula naman sa Real Property tax. Tiniyak naman ng Bise Alkalde na mapupunta sa tama ang inaprobahan nilang annual budget.
