Kalansay na natagpuan sa loob ng drum, opisyal nang tinukoy ang kasarian ng PNP Regional Forensic Unit

Opisyal nang tinukoy ng PNP Regional Forensic Unit ang sekswalidad ng kalansay na natagpuan sa loob ng isang drum noong Oktubre 12 sa Pier Site, Brgy Talisay, East District, Sorsogon City.

Ayon sa official report, ang kalansay umano ay isang babae, edad 18-anyos hanggang 25-anyos at mula 25-anyos hanggang 35-anyos.

Read More:  Bystanders scramble for cover as exchange of gunfire wounds 4 in Himamaylan City

Nanawagan naman ang Sorsogon City Police Station sa sinumang nawawalan ng kaanak na makipag-ugnayan sa kanilang himpilan para matulungan sila na makuhanan ng DNA test sa Sorsogon PNP Prov’l Forensic Unit para  ma-imatch sa DNA na nakuha sa kalansay para matukoy ang pagkakilanlan nito.

Read More:  Shrimp swarm surprises residents along Sipalay beachfront in Negros Occidental

Kung babalikan, ang iba pang pirasong ebidensya na narekober sa natagpuang sa loob ng drum ay nail extension na may gemstone, disposable plastic handcuff at duct tape; narekober din ang dalawang pirasong disposable self-locking Zip Tie handcuffs at sintas ng sapatos.