Bagong Agriculture Sec. Laurel, nanindigang kumalas na sa negosyo

Nagasalita na si Bagong Agriculture Sec. Kiko Laurel sa mga usapin ng ‘conflict of interest’ sa kaniyang appointment dahil mula sa sa isang fishing company.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Laurel na tuluyan na siyang nag-divest sa kaniyang negosyo.

Read More:  PCG to deploy 17,000 personnel at seaports for Undas 2026

Itinuturing din umano niyang ‘full-time’ job ang pagiging DA Secretary at hindi niya ito isasabay sa iba pang mga gawain.

Nanindigan din si Laurel na hindi bayad-utang ang ginawang appointment sa kaniya sa Gabinete.

Read More:  Tolosa says impeachment conviction could bar Sara Duterte from 2028 race

Ito ay matapos salubungin ng kritisismo ang kaniyang pagkakatalaga lalo na’t isa siya sa mga top contributor sa kandidatura ni Pangulong Bongbong Marcos.

Aniya, para raw talaga sa bayan ang kaniyang gagawing trabaho.