Ilang Chinese sa sinalakay na POGO sa Pasay ibinenta umano na parang kalakal

Pwersahang pinagtatrabaho at pinagbabantaan pa ang buhay ng ilang Chinese sa isang POGO na sinalakay sa Pasay.

Ang masaklap dito, ibinenta umano sila sa POGO na parang kalakal na nagkakahalaga ng kalahating milyong piso.

Read More:  PAGASA tracks developing storm with potential to become a super typhoon

Isinawalat din nila na karamihan sa kanila ay biktima ng human trafficking at kidnapping.

Base sa salaysay ng mga biktima, nabaon sa utang at inalok ng trabaho ang mga ito kaya nakapasok sa nasabing POGO.

Read More:  Romualdez says Bonoan never linked him to alleged flood control scandal

Sinabi ng mga otoridad na may banta umano ng pananakit kung magsusumbong ang mga biktima.

Iniimbestigahan na ng Presidential Anti-Organized Crime Commission ang insidente lalo na’t nakakabahala ang mga salaysay ng mga biktima.