Comelec, nagbabala sa mga alkalde na nanghihimasok sa BSKE 2023

Nagbabala si Commission on Elections chairman George Garcia sa mga alkalde na nanghihimasok sa proklamasyon ng mga kandidatong nanalo.

Ayon kay Garcia maghahain sila ng kaso laban sa alkalde partikular na sa may bandang Bicol region na umano’y nagbanta sa mga miyembro ng electoral board na pipigilan ang proklamasyon ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) winners.

Read More:  COMELEC warns of BSKE delays if Supreme Court issues TRO

Sinabi pa ng Comelec na ang tanging rason na nakikita ng poll body sa likod ng pagkaantala ay ang pagkatalo ng ineendorso kandidato ng alkalde.

Read More:  Trillanes asks to be dropped as witness in Sara Duterte impeachment trial

Iginiit pa ni Garcia, na ang mga magiging sanhi ng pagkaantala sa eleksyon ay maaaring maharap sa criminal at administrative charges.

Kabilang dito ang mga guro at security personnel na umatras sa kanilang tungkulin sa eleksyon.