8 PDLs, nakatakbo sa BSKE

Ibinida ng Department of the Interior and Local Government na naging makasaysayan ang pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Sa pagbisita ni Interior Secretary Benhur Abalos sa Manila City Jail, sinabi nitong ito ang kauna-unahang pagkakataon na lumahok at bumoto ang persons deprived of liberty para sa barangay polls.

Read More:  Trump to visit Philippines for ASEAN summit in November

Bukod sa karapatang bumoto, inanunsyo rin ni Abalos na binigyan ng karapatang tumakbo sa halalan ang mga bilanggo.

Sa katunayan, mayroong walong PDLs sa iba’t ibang bahagi ng bansa na tumatakbo sa eleksyon ngayong taon.

Read More:  60 fatalities in MV June Aster fire identified; 11 others still being identified — PCG

Anim sa kanila ang kumakandidato bilang kagawad habang dalawa naman ang para sa barangay chairperson.

Dagdag pa ni Bureau of Jail Management and Penology Jail o BJMP Chief Jail Director Ruel Rivera, pinapayagang mangampanya ang mga kandidato sa loob ng piitan dahil may itinalagang common poster areas habang maaari ring sa pamamagitan ng “virtual” platform.