Sen. Tolentino, hinimok ang COMELEC at DILG na magsagwa ng tamang transition para sa BSKE

Hinimok ni Sen. Francis Tolentino ang Commission on Elections (COMELEC) at Department of Interior and Local Government (DILG) na magsagawa ng tamang transisyon para sa mga bagong opsiyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK).

Read More:  China urges DFA to act responsibly; President Marcos seeks clarification from ambassador

Ayon kay Sen. Tolentino na dapat maglunsad ng info drive ang DILG at COMELEC para nang sa gayon magkaroon muna ng transition kahit isang linggo dahil sa Undas.

Para sa senador, ito ay magbibigay-daan sa mga bagong barangay at SK officials na magkaroon ng maayos na turnover.

Read More:  Palace defends Marcos’ bucket advice for El Niño preparation

Sinabi naman ni Comelec chairman George Garcia na nakikipag-uganyan sila sa DILG para sa maayos na pag-upo ng mga kandidatong mananalo.