Karagdagang doktor iminungkahi ng isang City Official sa Naga city

NAGA CITY – 50 libong doses ng COVID-19 vaccine ang inaasahang darating sa Naga City sa Hulyo. Sa pamamagitan nito mababakunahan na ang mga residente ng upper Barangays.

Subalit hindi sapat ang mga doktor ngayon ng Naga City,kaya kailangan na magdagdag. Ito ang naging pahayag ni City Councilor Lito del Rosario, Chairman ng Public Safety sa konseho bilang kanyang mungkahe na una na niya ng idinaan sa privilege speech.

Read More:  Four missing after vehicle plunges into Tarlac River following Agana bridge collapse

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay del Rosario, sinabi nito na suggestion lamang sa kanya at kung mangyayari malaking pasasalamat niya dahil malaki ang maitutulong nito para sa madaliang pagbakuna.

Read More:  Seven vehicles crash in Davao City, leaving one dead and three injured

Umasa ang konsehal na nakarating ang kanyang mungkahing ito sa Health Emergency Response Task Force at lalo na kay Naga City Mayor Nelson Legacion.