Makabayan Bloc tinawag na “enemies of peace” ni Dela Rosa matapos kwestyunin ng mga ito ang hinihinging confidential fund ng DepEd

Tinawag na “enemies of peace” ni Senador Ronald Bato Dela Rosa ang Makabayan Bloc matapos kwestyunin ng mga ito ang hinihinging P150 milyon na confidential fund ni Vice President Sara Duterte para sa Department of Education (DepEd).

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Ayon kay Dela Rosa, kung nagtitiwala ang publiko sa gobyerno ay dapat ng hindi sikilin o ipitin ang kanilang pangangailangan.

Kaugnay nito, hiningi niya sa Makabayan Bloc na huminto na sa pagiging plastic sa pagtalakay sa usapin nito.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Maalala, ayon kay Senador Risa Hontiveros importanteng magkaroon ng malinaw na patakaran at limitasyon sa paggamit ng confidential at intelligence funds (CIF) ang lokal o nasyonal na pamahalaan.