PNP, hinihintay na lang ang commitment order laban sa 6 na pulis na isinasangkot sa pagpatay kay Jemboy Baltazar

Naghihintay na lang ng commitment order mula sa korte ang Philippine National Police laban sa anim na sumukong pulis-Navotas na isinasangkot sa pagpatay sa 17 anyos na si Jemboy Baltazar.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, ito’y upang malaman kung saang piitan dadalhin ang mga ito.

Sa ngayon ayon kay Fajardo, hangga’t wala pang nailalabas na commitment order, ibabalik muna ang anim sa kustodiya ng Criminal Investigation and Detection Group sa Lucena City sa Quezon kung saan sila boluntaryong sumuko.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Wala din aniyang naging pag-amin ang anim na pulis hinggil sa kaso, at magbibigay na lamang daw sila ng pahayag sa korte.